A HOMILY DELIVERED BY FR. ROMMEL P. OLIVAR, OP, DURING HIS THANKSGIVING MASS

31 July 2017, Memorial of St. Ignatius of Loyola
Saint Nicholas of Tolentino Parish Church, Balaoan, La Union

A life in God and for God Naimbag nga bigat tayo amin kakabsat. Agyamanak ta immay kayo nakimisa uray no napigsa iti tudo ket nalayos dagiti dadduma nga lugar tayo. Diyos kuma iti mangsubli ken magsupapak kanyayo. (Good morning to all of you, brothers and sisters. I thank you for joining us in today’s Mass even if the rains have been heavy and many places here were flooded. May the Lord bless you and repay you).

There are several points that I would like to highlight in today’s readings which I would then connect to the life of a priest and of a Christian.

The first reading is from the first letter of Paul to the Corinthians. Ang sulat na ito ay sinipi ni San Pablo para sa mga sophisticated na mga taga-Corinth. Dito pinaalalahan niya sila kung ano ang mahalaga sa buhay Kristiyano: sabi niya sa kanyang sulat, Whatever you do, whether eating or drinking, do it for the glory of God. Maganda ang ginamit na verbs: eating or drinking, even eating or drinking should be done for the glory of God. Lahat tayo ay kumakain at umiinom. Ibig sabihin ni San Pablo, even the ordinary things of life should be done so as to give honor to God. The result of this way of looking at life can be seen in the life of St. Ignatius Loyola whose feast we celebrate today. His motto is ad majorem Dei gloriam, for the greater glory of God. Hindi ko po pinili ang araw na ito, ito lang ay coincidental dahil hindi puede ang simbahan sa June 29. Pero sa palagay ko isang mensahe rin ng Panginoon. Kaedad ko kasi si San Ignacio noong siya ay naging relihiyoso, thirty two. Binibiro nga ako ng mga brothers: ngayon na ordain na daw ako, puede na akong mag-early retirement. Pero si San Ignacio, kahit  na late vocation siya, naitatag niya ang isa sa mga pinakamalakas na religious order ngayon, ang mga Heswita. Truly, our age should not be a hindrance when we do the work of God. When we do everything for his greater and honor and glory, wonderful things can happen through us.

The responsorial psalm is Psalm 34. Sabi ng response: the Lord hears the cry of the poor, blessed be the Lord. Let the lowly hear and be glad. Sabi ng mga commentaries sa salmo na ito, sinulat ito ni Haring David noong siya ay nagtatago sa kanyang anak na si Absalom. Gusto siyang patayin ng kanyang sariling anak kaya siya ay nagpanggap na baliw at nagtago sa isang kueba. Sa panahon ng kagipitan, ito ang kanyang awit: the Lord hears the cry of the poor; blessed be the Lord. And the Lord heard his prayer. He was rescued by his followers and he was restored to his throne. Indeed, in the moment of difficulty, gaya ng bagyo at ng baha, the Psalm reminds us that the Lord is close to us. Let the lowly hear and be glad. The Lord listens to their pleas. And to heart broken God is near, he will hear the cry of the poor.

Ang ating Ebanghelyo ngayon ay tungkol sa cost of discipleship, ang kabayaran ng pagiging disipulo. Galing ang account na ito sa Ebanghelyo ni San Lukas, at ang mga naunang chapters ay patungkol sa mga milagro ni Hesus. Dahil sa mga milagro, narinig natin ang sinabi sa Ebanghelyo: many people followed him. They wanted to see his miracles, they wanted to become a part of his kingdom, a kingdom where they will be rulers and powerful men and women. Pero sa pagtuturo na ito ni Hesus, sinabi niya kung ano ang kabayaran ng pagiging disipulo: ang pagsunod sa kanya ay nangagahulugan ng pagtataya, nangangahulugan ng krus: hindi korona at trono, kundi krus.

Bilang paglalagom sa lahat ng mga ito, nais kung ilahad ang buhay ng isang Dominiko. Hindi ako ang dapat magbigay ng homily ngayon. Ang napili ko na magbigay ay isang dakilang Dominiko, si Padre Pedro Salgado, OP, na dating propesor sa UST at misyonero sa Isabela, kung saan siya nadestino ng humigit kumulang 30 taon. Nagdiwang siya ng kanyang 80th birthday noong June 29, araw ng aming ordinasyon, at namatay siya noong July 9. Gusto sana niya na magbigay ng homily. Sabi niya kasi miss na daw niya magbigay ng homily sa Ilocano.  Sa loob ng halos tatlumpung taon niya sa Isabela, ang dami niyang nagawa para sa mga tao. Ipinatayo niya ang simbahan, pinag-aral niya ang maraming mga bata, tinulungan niya ang maraming mahihirap. Noong siya ay nakaburol sa Santo Domingo, ang daming ang nagpunta upang makilamay, kahit napakalayo ng Isabela. Marami sa kanila ang umiiyak. Sa huling gabi ng lamay, mayroong isang lalaking mga 40 years siguro ang edad. Luma ang damit, halata na mahirap. Lumapit siya sa kabaong ni Padre Salgado, nagdasal ng taimtim, at pagkatapos palihim na pinunasan ang kanyang mga mata. At noong ililibing na si Fr. Salgado, mayroong boses na narinig mula sa likuran: babay apo Pedro. Babay apo Pedro. Sa palagay ko, ito ang lalaki na iyon.

The life of St. Ignatius, the life of David and the life of Fr. Salgado, all converge to create for us the image of a follower of Christ. First, that whatever we do, we are called to do our best for God, for the greater glory of God. Secondly, that we are called to be men and women of faith. Even in the darkness of the cave when the world seems to have turned against us, we must still hold the light and say, the Lord listens to our plea. Blessed be the lord. And the last, we must not forget that the man we follow is not a man of wealth or power. He was a poor man, and if he is rich, it is only because he loves and he was willing to give himself as a ransom for many. Let this be then our prayer and a challenge: we new priests, old priests, we men and women of the Church: a life for the glory of God, a life of faith in God, and a life that is not afraid of the cross of God. Amen.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *